Mag-utol binoga at sinaksak
August 11, 2002 | 12:00am
TINAMBAC, Camarines Sur Naging ugat ng kamatayan ng isang 25-anyos na lalaki, samantala, nasa malubhang kalagayan naman ang kapatid nito ang ibinebentang lupang sinasaka nila makaraang pagbabarilin at saksakin ng limang magsasaka sa kanilang bahay sa Sitio Hibao, Barangay Bani sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pascual San Andres, binata, samantala, nasa Bicol Medical Center si Rodolfo San Andres, 33, may asawa.
Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Daniel Magbanua, 35, ng Sitio Olian; Melchor Flores, 45 ng Sitio Bogtog; Napoleon Magbanua, 40 ng Sitio Gacao; Dewey Magbanua, 33 ng Sitio Bontoc at Crisanto Aguado, 20 ng Brgy. Magsaysay.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw matapos na pasukin ng mga suspek ang mag-utol dahil sa napaulat na ibinibenta na ang lupaing sinasaka nila. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest