^

Probinsiya

Mayor at asawa kinasuhan sa Sandiganbayan

-
Isinampa ng Ombudsman sa Sandigan ang iba’t ibang kaso laban sa incumbent Mayor at dating Mayor ng Taal, Batangas kasama ang isang konsehal dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa mga anomalya na naganap sa nasabing lalawigan.

Ang mga kinasuhan ay sina Mayor Librado Cabrera, ang asawa nitong si ex-Mayor Fe Cabrera at si Councilor Luther Leonor.

Sa nakalap na impormasyon, kinasuhan si Mayor Librado Cabrera at ang kanyang asawa dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act tungkol sa illegal na reimbursement na umano’y travelling expenses ng mag-asawa sa labas ng bansa na umabot sa P170,987.66 simula noong Agosto 31, 1998 hanggang Setyembre 1, 1999, base sa isang special audit report ng Commission on Audit Region Office IV.

Wala umanong pahintulot si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa paglalakbay ng mag-asawa at walang kaukulang travel authority. Lumabas sa report ng COA na nagkaroon ng sabwatan ang mag-asawa upang maibalik sa kanila ang halagang kanilang ginastos. Pineke pa umano ng mag-asawa ang lagda ni Gov. Mandanas na nagbibigay ng pahintulot sa dalawa upang maglakbay sa ibang bansa at maibalik sa kanila ang halagang kanilang ginastos.

Sa kaso naman ni ex-Mayor Fe Cabrera, lumitaw sa audit report na idineposito nito sa kanyang personal bank account sa Philippine Savings Bank, Lemery Branch (Acct. No. 1818010393) ang halagang P171,955.72 na dapat sana ay ipambabayad sa iba’t ibang supplier ng naturang lalawigan. Nagkaroon din ng anomalya sa pagbili ng mga gamot sa halagang P1,513,513.02 sa Diamond Laboratories, Inc. na pag-aari ng mga kamag-anak ni Librado Cabrera na sina Roberto Cabrero Jr., Profitiza Cabrera, Edrich Cabrera, Roberto Cabrera III at Jayson Paul Cabrera.

Ang naturang transaksyon ay hindi dumaan sa public bidding ayon sa COA report.

Si Councilor Luther Leonor naman ay idinawit din sa kaso dahil siya umano ang nagsilbing taga-encash ng mga naturang tseke na idineposito ng mag-asawa sa kanilang bank account. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ANTI GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ASAWA

AUDIT REGION OFFICE

BATANGAS GOVERNOR HERMILANDO MANDANAS

BUTCH QUEJADA

CABRERA

COUNCILOR LUTHER LEONOR

DIAMOND LABORATORIES

MAYOR FE CABRERA

MAYOR LIBRADO CABRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with