Pinay victim sa Israel gagawing bayani
August 7, 2002 | 12:00am
MINALIN, Pampanga Pormal na maghahain ng resolution ang mga local official sa bayang ito upang ideklarang bayani ang Pinay victim sa Israel kapag dumating na sa bansa ang labi nito sa Biyernes.
Mariing sinabi ni Minalin Mayor Edgar Flores ang mga katagang ito dahil sa kabayanihang ginawa ni Adelina Cunanan sa kanyang kasambahay partikular na sa pagpapagamot sa kanyang ama na may sakit sa puso.
Si Cunanan na naging biktima ng pagsabog sa Israel habang nakasakay sa pampasaherong bus ay namamasukan bilang care-giver sa loob ng limang taon at nakapagpadala na ng halagang P.3 milyon para sa pagpapagamot ng kanyang ama.
Sinabi ni Mayor Flores na inihahanda na ng Sangguniang bayan ang resolution na magdedeklara kay Cunanan na isang bagong bayani dahil sa sakripisyong ginampanan nito sa kanyang pamilya.
Kabilang sa natulungan ni Cunanan sa pinansiyal ay ang dalawang anak na sina Neil, 20 at Gladys, 17 at sampung kamag-anak na walang sapat na kinikita.
Hiniling naman ng mga malapit na kamag-anakan kay Mayor Flores na iburol ang labi ni Cunanan sa maliit na simbahan sa Brgy. San Fancisco II na kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng baha.
Sa naging pahayag naman ni Director Elmer Cato ng Central Luzon consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pa silang natatanggap na ulat kung kailan dadalhin pabalik ng bansa ang labi ni Cunanan.
Ngunit kung isasakay sa Israeli Airlines na pansamantalang titigil sa Bangkok bago ituloy sa bansa ay malamang na Biyernes ang dating.
Gayunpaman, tutulong ang pamahalaan ng Israel sa gastusin para maiuwi ang mga labi nina Adelina Cunanan at Rebecca Ruga ng Bansud, Oriental Mindoro.
Nagpadala na rin ng pakikiramay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamilya ng dalawang namatay na OFW at inatasan ang lahat ng kinauukulang ahensya na pagkalooban ng tulong ang pamilya nina Cunanan at Ruga. (Ulat nina Ding Cervantes,Lilia Tolentino at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended