Mag-asawa tinigok habang natutulog

LINGAYEN, Pangasinan — Hindi na nagising pa ang mag-asawang matanda, samantala, ang apo nila ay malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay sa Brgy. Bisocol, Alaminos City noong Sabado ng hatinggabi.

Sa ulat na nakarating sa Pangasinan PNP provincial office, kinilala ang mga biktima na sina Pedro Damasco, 67, at asawang si Aurelia, 66, samantala, nasa kritikal na kondisyon si Jefferson Vidal na tinamaan sa ulo ng bala ng kalibre 32 baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mahimbing na natutulog ang mga biktima nang pumasok ang mga armadong kalalakihan sa likurang bahagi ng bahay at tinungo ang kinaroroonan ng mag-asawa. (Ulat ni Cesar Ramirez)

Show comments