7 Sayyaf tiklo sa checkpoint
August 5, 2002 | 12:00am
Hindi nagawang lagpasan ng pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group ang isang checkpoint ng Philippine Army (PA) matapos na arestuhin kahit na nagpanggap na mga sibilyan sakay ng isang van, kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Sulu.
Nakilala ang mga naaresto na sina Ganib Alih, Sabtula Apha, Dagindal Murtan, Zarolan Sahadani, Asiri Alin, Julie Alliul at Juhano Sahamon, na pawang mga tauhan nina Ghalib Andang at Radullan Sahiron.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, bandang alas-12:30 ng tanghali nang madakip ang pito habang sakay ng isang pribadong Tamaraw van sa may Brgy. Buansa sa Indanan, Sulu.
Tinangkang lumagpas ng mga rebelde sa checkpoint sa hangganan ng Brgy. Buansa at Kalahatian ngunit nahalata ng mga sundalo na balisa ang ilan sa mga sakay nito sanhi upang pababain at kilalanin.
Hindi na pinakawalan ng mga elemento ng 23rd Scout Ranger Company ng Philippine Army ang pitong bandidong Sayyaf. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Jorge Hallare | 18 hours ago
Recommended