Informer itinumba ng NPA rebels
August 3, 2002 | 12:00am
KIBLAWAN, Davao del Sur Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka na pinalalagay ng mga kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ay isang informer ng pulisya at militar habang ang biktima ay patungo sa sinasakang bukirin sa Sitio Pangi, Brgy. Kimlawis sa bayang ito.
Tadtad ng tama ng malalakas na kalibre ng baril ang katawan ng biktimang si Bobby Vilacojer na hinarang ng mga rebelde dakong alas-2 ng hapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, tinangka pa ng biktima na tumakbo pabalik sa kanyang bahay ngunit niratrat ng mga rebelde.
Gayunman, nagresponde naman ang mga elemento ng 25th Infantry Battalion sa pamumuno ni Sgt. Erot ng Philippine Army upang tugisin ang mga rebelde ngunit hindi na inabutan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest