^

Probinsiya

Anak 7 taong sex slave ng ama

-
BACOOR, Cavite – Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 16-anyos na estudyante upang ireklamo ang kanyang sariling ama na ginawa siyang sex slave sa loob ng pitong taon sa kanilang bahay sa Brgy. San Nicolas sa bayang ito.

Dahil sa hindi na matagalan ng biktimang itinago sa pangalang Shiela ang ginagawang kahayupan ng sariling ama ay nagpasyang magsumbong sa kanilang brgy. chairman upang pormal na magsampa ng kaso.

Kasalukuyan namang nakapiit ang suspek na si Celso Arevalo, 45, isang drayber na nahaharap sa kasong multiple rape, child abuse na may kaparusahang bitay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Walter Basto na siyam na taong gulang pa lamang ang biktima ay ginawa na siyang sex slave at nitong mga huling araw ay nagdesisyong ibulgar ang kahayupan ng kanyang ama kahit pinagbabantaan siyang papatayin. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BRGY

CAVITE

CELSO AREVALO

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

KASALUKUYAN

LUHAANG

SAN NICOLAS

SHIELA

WALTER BASTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with