^

Probinsiya

3 puga nadakip

-
MALITA, Davao del Sur Hindi nagtagal ang pansamantalang kalayaang natamo ng tatlong kilabot na takas na preso matapos na muling madakip sa isinagawang magkasunod na operasyon ng pulisya, kamakalawa.

Kinilala ang mga balik-bilangguan na sina Gordon Congo, may kasong robbery with attempted multiple homicide; Dionesio Culas, nahaharap sa kasong pagnanakaw at Manuel Balco, may kasong paglabag sa PD 533.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, unang naaresto ng mga tauhan ng Malita Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang suspek na si Congo sa Sicalig, Brgy. Bulila, Malita dakong alas-2:30 ng hapon.

Dakong alas-9:30 ng umaga naman kinabukasan, naaresto ng mga awtoridad ang dalawa pang takas na preso sa Little Baguio, Malita, Davao del Sur. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

BULILA

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DAVAO

DIONESIO CULAS

GORDON CONGO

LITTLE BAGUIO

MALITA

MANUEL BALCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with