^

Probinsiya

Nene hinalay ng mag-tiyo; 1 pang may sayad pinilahan ng 4

-
MERCEDES, Camarines Norte Dalawang kasong panggagahasa ang idinulog sa tanggapan ng pulisya na naganap sa magkahiwalay na lugar sa nasabing bayan kamakalawa ng umaga.

Sa panayam ng PSN kay SPO2 Flordeluz Esguerra, woman-desk-officer, kamakalawa ng dumulog ang isang 13-anyos na babae, residente ng Purok 4 Brgy. Pambuhan upang ipagharap ng reklamo ang kanyang dalawang tiyuhin na gumahasa sa kanya ng makailang ulit sa tuwing ito ay magbabakasyon sa kanilang bahay.

Batay sa pahayag ni Nene di tunay na pangalan, kinilala nito ang mga suspek na sina Pedro Flores at isang alyas na "Ewap" Flores pawang residente ng Maynila.

Sa salaysay ng biktima, naganap umano ang panghahalay ng dalawang suspek mula 1996 hanggang taong kasalukuyan at ang huli nitong buwan ng Abril 2002.

Sa takot ng biktima sa banta ng kanyang tiyuhin, hindi agad nagawang makapagsumbong sa mga awtoridad hanggang sa humingi ng tulong sa mga barangay officials. Ang dalawang suspek ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad makaraang lumabas ang isang medico legal na positibong ginahasa ang biktima.

Samantala, luhaang dumulog ang isang 22-anyos na babae na may diperensiya sa pag-iisip kasama ang kanyang ama upang ipagharap ng reklamong panggagahasa ang apat na magbabarkada na halinhinang humalay sa kanya sa tabing kalsada.

Ang mga suspek na agad din namang nasakote ay nakilalang sina Wilson Data, Adrian Bandula, Allan de Vera at Ariel Latorino pawang mga residente ng Brgy. Manguisoc ng nasabing bayan.

Sa sinumpaang salaysay ng biktimang si Lala, di tunay na pangalan, napag-alaman na ang biktima ay dumulog sa isang sayawan sa Purok 4 Sitio Camangahan, Brgy. Manguisoc upang makisaya sa pasasalamat ng isang nanalong kandidato sa barangay eleksyon.

Bandang ala-una ng madaling araw ng ito ay umuwi sa kanilang bahay at habang ito ay naglalakad, lumapit ang apat na suspek at nagmagandang-loob na ihatid ang biktima.

Dala ng diperensya sa pag-iisip ay pumayag ang biktima hanggang sa dalhin sa tabi ng kalsada at doon ay sinunggaban kaagad ng mga ito.

Hindi magawang makapalag ng biktima dahilan sa hawak ng mga suspek ang kamay at paa habang ang isa ay nagpaparaos sa katawan ng biktima at pagkaraan ay salit-salitang hinalay ito. (Ulat ni Francis Elevado)

ADRIAN BANDULA

ARIEL LATORINO

BIKTIMA

BRGY

CAMARINES NORTE

FLORDELUZ ESGUERRA

FRANCIS ELEVADO

MANGUISOC

PEDRO FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with