5 preso pumuga
July 26, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Limang preso na pinaniniwalaang may mabibigat na kasong kinakaharap ang iniulat na nakapuga makaraang lagariin ang rehas na bakal sa magkahiwalay na kulungan sa Oriental at Occidental Mindoro kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga nakapugang preso na sina Jeofrey Cervano, Jorge Bating, Lito Austria na pawang nakapiit sa San Jose Municipal Jail sa Occidental Mindoro.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng head count sina PO3 Eduardo dela Cruz at SPO4 Romeo Robles dakong alas-7:20 ng gabi sa mga nakakulong na preso ngunit nadiskubreng kulang ang mga bilanggo.
Nakita naman ng mga guwardiya ang rehas na bakal na nilagare saka isinagawa ang pagpuga.
Kasunod nito, nagawa namang makatakas mula sa Calapan Municipal Jail sa Oriental Mindoro nina Rodel Atienza at Bienvenido Tagasa na kapwa residente ng Brgy. Inarawan Naujan, Oriental Mindoro ngunit kaagad naman nasakote dakong alas-5:45 ng hapon.
Matapos na maibalik ang dalawang preso sa kanilang kulungan ay natagpuang patay si Tagasa sa kanyang selda sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest