Brgy. kagawad na dinukot natagpuang patay

VIRAC, Catanduanes – Isang nanalong barangay kagawad noong eleksyon na pinaniniwalaang dinukot noong Hulyo 19, 2002 ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang iniulat na natagpuang patay sa madamong palayan sa Brgy. Francia sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Naagnas na ang bangkay ni Felimon Tabuso, 31, may asawa, magsasaka ng matagpuan ng mga residente dakong alas-5 ng hapon may ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay.

Sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na masayang naglalakad papauwi dakong alas-7 ng gabi noong Hulyo 19 dahil sa pagkapanalo nito sa eleksyon ngunit dinukot naman ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA). (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments