^

Probinsiya

Trak nahulog sa bangin: 3 katao todas

-
TALISAY CITY, Cebu – Tatlo katao kabilang ang isang menor-de-edad na lalaki ang kumpirmadong nasawi makaraang mahulog sa bangin ang trak na kanilang inangkasan sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Vicente Soto Memorial Medical Center sina Ricarte Remejio, 14, isang nagngangalang Solebidad, 22 at hindi nakilalang lalaki na may edad na 18-anyos.

Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang drayber na si Limbert Remejio.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang sakuna bandang alas-3 ng madaling-araw habang bumabagtas ang trak sa malubak na kalsada ng Campo Siete patungong Toledo City.

Nahirapan ang makina ng trak na may kargang buhangin at bato dahil sa papaakyat at zigzag na kalsada kaya nagkamali ng kalkulasyon si Limbert na naging sanhi upang dumulas ang gulong at bumulusok sa malalim na bangin. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CAMPO SIETE

CEBU

DANILO GARCIA

LIMBERT

LIMBERT REMEJIO

NAHIRAPAN

RICARTE REMEJIO

SAMANTALA

TOLEDO CITY

VICENTE SOTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with