Misis sinaksak, mister nag-suicide

CARAMORAN, Catanduanes – Dahil sa nakonsiyensya sa pagkakasaksak sa sariling misis ay nagpasyang mag-suicide ang isang 50-anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Palobanes, Brgy. Toytoy sa bayang ito kahapon ng umaga.

Ang bangkay ng biktima na natagpuan dakong alas-6 ng umaga ay nakilalang si Ramon Sazaeno, karpintero, samantala, ang asawang nasaksak at hindi naman grabe ay hindi ibinunyag ang pangalan sa hindi naipaliwanag na dahilan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa hindi nabatid na isyu hanggang sa masaksak ng lalaki ang asawa at kinaumagahan na lamang ay nakitang nakabitin ang bangkay ng biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments