Bangka lumubog: 1 patay,75 nasagip
July 14, 2002 | 12:00am
Isa katao ang nasawi, samantalang 75 pa ang nailigtas sa tiyak na kapahamakan matapos na lumubog ang sinasakyan na pampasaherong bangka habang naglalagalag sa karagatan ng Batangas na sakop ng Brgy. Simlong kahapon ng umaga.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ng National Disaster Coordinating Center (NDCC), ang nasawi ay isang 60-anyos na babae na inatake sa puso dahil sa sobrang pagkabigla sa pangyayari.
Base sa pagsisiyasat bandang alas-7 ng umaga nang lumubog ang bangka matapos balyahin ng dambuhalang alon ang bangkang M/V Jupiter II mula Mindoro island.
Habang unti-unting lumulubog ang bangka ay inata-ke sa puso ang biktima na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan.
Nagkataon namang naglalayag sa nasabing ruta ang bangkang M/V Starlight Pacific kaya nasagip ang mga tripulante nito kasama ang 75 pang pasahero ng M/V Jupiter II.
Sa kaugnay na kaganapan, apat na mangingisda naman ang iniulat na nawawala matapos na aksidenteng tumaob at tuluyang lumubog ang sinasakyang bangka habang naglalayag sa karagatan ng Rapu-Rapu, Albay noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga nawawalang biktima na sina Earl Soro, Roel Ballesa, Rodolfo Bonaogua at Miguel Baloro na patuloy na pinaghahanap ng search and rescue personnel ng Phil. Coast Guard (PCG) at Phil. Navy (PN).
Ayon sa ulat, bandang alas-4:45 nang maitala ang insidente habang naglalayag ang kanilang bangkang M/V CA Ezemart sa naturang karagatan ng Bgy. Linan, Rapu-Rapu, Albay nang salpukin ito ng malakas na hangin at alon. (Ulat nina Joy Cantos/Arnell Ozaeta Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest