^

Probinsiya

40 beses sinaksak nabuhay,ang sumaksak nag-suicide, patay

-
CABANATUAN CITY Isang lalaki ang nagdesisyon na magpakamatay na kaysa mahuli ng mga rumerespondeng pulis makaraang pagsasaksakin nito ang hindi nagpautang na kaibigan sa Barangay Dimasalang ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Laverne Manangbao, hepe ng Cabanatuan City Police, ang nagpakamatay na suspek na si Denver De Jesus y Jimenez, 23-anyos, hiwalay sa asawa ng Barangay San Josef Norte, dito.

Samantala, naliligo naman sa sariling dugo nang matagpuan ng pulisya ang katawan ng biktimang si Melchor Jacinto y Ramos, 54, negosyante ng #309 Sampaguita St., ng naturang lugar. Siya ay tadtad ng 40 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Manangbao, nagbaril na lamang ng cal. 38 paltik revolver sa sarili ang suspek na si De Jesus nang magtago ito sa isang banyo sa katabing apartment ng bahay ng biktima matapos itong tumakas.

Sa imbestigasyon, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi kamakalawa, makaraang magtungo ang suspek sa bahay ng biktima at doon ay nanghihiram ng pera sa huli.

Dahil wala naman umanong maipahiram na pera ang biktima sa kaibigang suspek ay sinabi na lamang ng una na bumalik ito sa susunod. Nagdamdam umano si De Jesus at kumuha ng kutsilyo sa kusina at kaagad nitong tinungo si Jacinto at walang humpay na pinagsasaksak ang biktima.

Dahil hindi napuruhan ng suspek ang biktima, ay nakatayo pa si Jacinto at nagawang magsisigaw at humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Dahil nabulahaw ang mga kapitbahay ni Jacinto, na tumawag naman ng pulisya ay tumakas ito sa bubungan ng bahay at nagtago sa banyo ng katapat na apartment.

Nang nauulinigan na umano ni De Jesus ang paparating na mga kagawad ng pulis ay nagbaril na ito sa kanyang sarili. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY DIMASALANG

BARANGAY SAN JOSEF NORTE

CABANATUAN CITY POLICE

CHRISTIAN RYAN STA

DAHIL

DE JESUS

DENVER DE JESUS

JACINTO

LAVERNE MANANGBAO

MELCHOR JACINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with