Nakilala ang nasawi na si PO3 Patrick Panti. Samantala, hindi pa batid ang buong pangalan ng ikalawang biktima.
Batay sa ulat ni P/Supt. Gil Hitosis, ang provincial director ng PNP sa Catanduanes na ang paglusob ng mga rebelde ay naganap dakong alas-12:35 ng tanghali.
Napag-alaman na dalawang truck na puno ng mga rebelde na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang bigla na lamang na paputukan ang mga pulis na nagbabantay sa naturang himpilan ng pulisya.
Kaagad naman na tinamaan ang dalawang nasawi at ang iba pang mga kasamahan ay gumanti ng putok na halos tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig.
Nabatid na lima lamang ang mga pulis ang naka-duty nang sumalakay ang mga rebelde subalit hindi nasiraan ng loob ang mga ito at nakipagsabayan din ng putok kung saan dalawa dito ang nasawi.
Napag-alaman na ang naturang munisipyo ay isang coastal municipality na halos bilang lang ang mga pulis na nakatalaga.
Matapos ang ginawang paglusob ng mga rebelde ang mga ito ay tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Manaile at tangay din ang mga sugatan na rebelde sa kanilang pagtakas.
Sa kasalukuyan isang hot pursuit operation ang isinasagawa ng pinagsanib na puwersa ng 22nd IB ng Phil. Army at Provincial Mobile Group ng Catanduanes upang tugisin ang mga rebelde na lumusob sa naturang munisipyo. (Ulat ni Ed Casulla)