Brgy.chairman dinukot ng NPA
July 12, 2002 | 12:00am
GUMACA, Quezon Isang barangay chairman ang iniulat na dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nagpapahinga sa kanyang bahay sa Brgy. Camohaguin sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Felipe Arboleda, kasalukuyang brgy. chairman sa Brgy. Mabini, Lopez, Quezon ngunit matagal ng hindi nagpapakita sa kanyang mga kagawad dahil sa akusasyong paglustay ng pondo ng barangay kaya naman ibinilang na lamang siyang AWOL ng mga opisyales ng naturang lugar.
Sa ulat na nakarating kay P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director, naganap ang pangyayari dakong alas-4 ng hapon habang nakahiga ang biktima sa kahoy na papag sa loob ng kanyang bahay.
Ayon pa sa pulisya, hindi naman nag-file ng certificate of candidacy ang biktima sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes, Hulyo, 15, 2002 kaya walang kinalaman sa eleksyon, ang naganap na pagdukot.
May palagay ang pulisya na nakarating sa kaalaman ng mga rebelde ang ginawa ng biktima kaya dinukot na lamang. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
July 20, 2026 - 12:00am