Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Lean Estipona, 19 ng Cristine Village, Brgy. Biga, Tanza, Cavite, ang kasama nitong alyas Juliet at Arceli Dimaculangan ng Camella Homes, Brgy. Panapaan, Bacoor, Cavite.
Sa isinumiteng ulat kay P/ Sr. Supt. Samuel Pagdilao, Cavite PNP provincial director, si Dimaculangan ay nasalpok dakong alas-5 ng madaling-araw ng pampasaherong dyip (NVV-571) na minamaneho ni Diosdado Ramirez ng Brgy. Karsadang Bago, Imus, Cavite habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway.
Nabatid pasa ulat na ang dalawang babae ay nasawi makaraang sumalpok ang sinasakyang kotse (CVE-368) sa poste ng Meralco.
Ayon pa sa ulat, hindi inalintana na madulas ang kalsada sa kahabaan ng Brgy. Biga, Tanza nang mawalan ng kontrol ang driver na si Ronilo Chalan ay sumalpok ito sa poste bandang alas-9:30 ng umaga. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)