^

Probinsiya

Barangay, SK elections 'hotspot' tinukoy ng Comelec

-
Idineklara kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang Region 3, 4, 5 at Mindanao na hotspot sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataang elections sa bansa sa darating na Hulyo 15, 2002.

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr. matapos ang command conference ng mga matataas na opisyal ng pulisya at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.

Naglaan naman si Comelec Chairman Abalos ng halagang P10 milyon para sa PNP at AFP bilang allowance sa pagbabantay sa mga nabanggit na hotspot upang tiyakin ang kaayusan ng halalan.

Kaugnay nito, nakatakda namang mag-deploy ng sanlibong karagdagang puwersa ang militar sa mga ikinokonsiderang hotspot partikular na sa Camarines Sur, Camarines Norte sa Bicol Region, Sorsogon at Masbate.

Kabilang din sa padadalhan ng puwersa ng militar ay ang Mindoro patungong Bataan dahil sa nakaambang pananabotahe ng mga rebeldeng New People’ Army (NPA). (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BICOL REGION

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CAMP AGUINALDO

COMELEC CHAIRMAN ABALOS

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

SANGGUNIANG KABATAANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with