^

Probinsiya

Larry Alcala yumao na

-
BACOLOD CITY Pumanaw na ang sikat na cartoonist na si Larry Alcala sa edad na 75-anyos sa kanyang bahay sa Villa Valderrama Subdivision noong Lunes ng gabi.

Si Alcala na retiradong professor sa University of the Philippines College of Fine Arts at nagsilbing chairman ng Visual Arts Department ay naging popular dahil sa ginawa nitong comic strips na Kalabog en Bosyo, Siopawman at Aksyong Aksaya, Bim, Bam, Bung sa Funny Komiks at Lolo Brigido sa Pambata Magazine.

Sa loob ng 50 taong pagiging cartoonist, umaabot sa 500 cartoon characters, 30 comic strips, dalawang painted murals at 15,000 comics ang nai-published.

Si Alcala na isinilang sa Daraga, Albay noong Agosto 18, 1926 ay gumawa ng popular na lingguhang comic strip na Slice of Life sa The Star hanggang sa pumanaw.

Apat na oras matapos na dumating sa kanilang bahay ay nakaramdam na si Alcala ng paninikip ng dibdib ngunit hindi na naisugod pa sa pinakamalapit na ospital.

Si Alcala na founder ng Samahan ng Kartunista ng Pilipinas (SKP) ay sumakabilang buhay bandang alas-8 ng gabi noong Lunes sa kanyang bahay habang nakahiga at napapaligiran ng kanyang asawang si Guadalupe at mga anak na sina Lauro, 45; Lamberto, 43 at Lizette Guanzon, 40.

Ang labi ni Alcala ay kasalukuyang nakahimlay sa Rolling Hills Memorial Chapel sa Bacolod bago ililipat sa UP Catholic Chapel sa Diliman, Quezon City at ihahatid sa huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City. (Ulat ni Antonieta Lopez)

AKSYONG AKSAYA

ALCALA

ANTONIETA LOPEZ

CATHOLIC CHAPEL

FUNNY KOMIKS

LARRY ALCALA

LIZETTE GUANZON

LOLO BRIGIDO

LOYOLA MEMORIAL PARK

PAMBATA MAGAZINE

SI ALCALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with