^

Probinsiya

4 patay, mayor ligtas sa flash flood

-
ZAMBOANGA, Sibugay – Naging trahedya ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Bautista matapos na mamatay sa pagkalunod ang isang opisyal ng bayan ng Imelda pati na rin ang tatlong residente sa isang flash flood, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, nakilala ang mga nasawi na sina Cornelia Lagutin, municipal agriculturist sa bayan ng Imelda; Emedio Larino, kagawad ng Brgy. Poblacion, Imelda at Aruela Arayata at isang nakilala sa pangalang Tony Bato.

Patuloy namang pinaghahanap pa ng mga rescue teams ang dalawa pang empleyado ng nabanggit na munisipyo na natangay rin ng baha na sina Adelaida Etorig at Tony Sarabia.

Nabatid na naliligo dakong alas-3 ng hapon si Imelda Mayor Juanito Gonzales at kanyang buong staff sa munisipyo at mga residente ng Brgy. Poblacion sa Baluran river nang biglang rumagasa ang tone-toneladang tubig buhat sa isang talon.

Hindi na nagawang makaiwas ng mga biktima dahil sa dambuhalang agos ng tubig.

Masuwerte namang naagapan ng kanyang mga tauhan si Mayor Gonzales nang agad itong naiahon at mailayo sa ilog. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADELAIDA ETORIG

ARUELA ARAYATA

BRGY

CAMP CRAME

CORNELIA LAGUTIN

DANILO GARCIA

EMEDIO LARINO

IMELDA

IMELDA MAYOR JUANITO GONZALES

MAYOR GONZALES

SAN JUAN BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with