^

Probinsiya

Caviteñong scientist, pinarangalan ni Gov. Maliksi

-
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Binigyan ng parangal kahapon ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi ang isang retiradong Pinoy scientist at inventor ng kauna-unahang Shuttle Radar Topography Mission sa ginanap na flag-raising ceremony sa Capitol Building sa bayang ito.

Sinabi ni Gov. Maliksi na si Engineer Edward R. Caro, 70 ay nagbigay ng malaking karangalan at sense of pride sa bansa partikular sa lalawigan ng Cavite kaya napabilang sa binigyan ng "Gawad Gintong Kalabaw Award" ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Hunyo 19.

Si Caro ay nagsilbing scientist sa NASA sa loob ng apatnapu’t dalawang taon (42) at kabilang sa 100 alumni ng Cavite National High School.

Ayon kay Gov. Maliksi, si Caro ay kabilang sa binigyan ng NASA ng Distinguished Science medal na pinakamataas na ibinibigay sa mga empleyado ng NASA.

"Si Caro ay ipinagmamalaki, hindi lamang ng mga Caviteño, pati na ng buong bansa," dagdag pa ni Gov. Maliksi.

Kasabay ng mga pahayag ni Gov. Maliksi sa harap ng may 500 opisyal ng lokal na pamahalaan at empleyado sa capitol building, binigyan naman ng plaque of recogniton si Caro bilang modelo ng Caviteño. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

CAPITOL BUILDING

CARO

CAVITE

CAVITE GOVERNOR ERINEO

CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL

CRISTINA GO-TIMBANG

DISTINGUISHED SCIENCE

ENGINEER EDWARD R

GAWAD GINTONG KALABAW AWARD

MALIKSI

SI CARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with