Totoy bugbog sarado sa nabulahaw na amain

OLONGAPO CITY – Mistulang gulay na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos umano itong gawing punching-bag ng kanyang amain dahil lamang sa aksidente nitong nalaglag ang isang takip ng kaldero at nabulahaw ang huli kamakalawa ng tanghali sa Barangay Barretto dito sa nasabing bayan.

Namamaga pa ang labi at halos mapuno ang katawan sa mga pasa at bugbog na sinapit mula sa kamay ng kanyang malupit na amain na umano’y isang "drug user," ang batang biktima na itinago sa pangalang "Joshua," 6, residente ng No. 18-Gabaya St., Barangay Barretto, Olongapo City na sinamahang dumulog sa presinto ng kanyang ina na si Myla Versoza, 27.

Samantalang, nakilala naman ang suspek na si Richard Adriano Y Fernandez, 32, naninirahan din sa nabanggit na lugar na mabilis na nadakip ng mga rumespondeng kagawad ng Police Precinct 6 ng Olongapo City Office (OCPO) sa pamumuno ni P/Sr. Inspector Manuel L. Mendoza. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments