Supervisor ng Shell, tinodas
June 22, 2002 | 12:00am
Isang supervisor ng Shell refinery ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin kamakalawa sa Tabangao, Batangas City.
Kinilala ni P/Supt. Restito Hernandez, Batangas City police chief ang biktima na si Eugene Furuganan, 38 residente ng Sitio Takad, Barangay Libjo, Batangas City.
Dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa biktima makaraang bumaba ito ng kaniyang minamanehong Revo at lapitan ng mga salarin at barilin ng malapitan kung saan agad din itong namatay.
Sinabi ng asawa ng biktima na si Cerelia Furuganan na nakita niya ang tatlong kalalakihan na bumaba ng itim na kotse at agad na lumapit sa kaniyang mister at walang babalang pinaulanan ito ng bala.
"Nakita ko yung tatlong kalalakihan pero dahil sobrang dilim ay hindi ko sila mamukaan," sabi pa ng misis nito.
Nabatid na kilala ang biktima dahil sa sobrang istrikto nito sa kaniyang mga tauhan at mahigpit na ipinagbabawal nito sa kaniyang mga tauhan ang paggamit ng telepono.
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang may ilang basyo ng kalibre 45. tatlong tama ng bala kabilang na ang isa sa ulo ang naging dahilan ng kamatayan ng biktima. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest