^

Probinsiya

Pasay cops nagsasanay na

-
SUBIC BAY FREEPORT – Dumating na kahapon ang may 328 miyembro ng Pasay City Police Force upang pormal na simulan ang isasagawang pagsasanay sa kanila sa isang jungle base sa Morong, Bataan.

Ang naturang pagsasanay ng kapulisang Pasay City ay pangungunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Edgar Aglipay, kasama ang iba pang opisyal ng PNP.

Pangunahing pagsasanay ay ang tinatawag na Hostage Management Crisis na siya ngayong partikular na pagtutuunan ng pansin.

Sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang lugar na pinili ni outgoing PNP Chief Director General Leandro Mendoza na training ground ng mga pulis upang matiyak at magarantiyahan ang seryosong pag-aaral at pagsasanay sa kanila.

Sa isang malawak na jungle base sila mananatili habang isinasagawa ang pagsasanay na tatagal ng 20-araw at upang matiyak din na hindi makalalabas ng naturang Freeport upang makapamasyal na pansamantalang mahigpit na ipinagbabawal sa kapulisang Pasay.

Nabatid pa na ilang opisyal mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na naka-base sa US Embassy dito, ang mangunguna at magsisilbing lecturer sa mga pulis.

Napag-alaman na labintatlong Pasay pulis ang hindi nakasama sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

HOSTAGE MANAGEMENT CRISIS

JEFF TOMBADO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE FORCE

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with