Coed nakapuga sa mga kidnaper
June 18, 2002 | 12:00am
BATANGAS CITY Isang estudyanteng babae na pinaniniwalaang kinidnap ng dalawang hindi kilalang lalaki at isang babae sa Mandaluyong City noong Biyernes, ang napaulat na nakapuga sa kamay ng mga kumidnap sa kanya sa Batangas City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Restituto Hernandez, hepe ng Batangas PNP station, ang biktimang si Donna Zamora, 23, isang empleyada ng Key Multi-Industry ng 694 Evangelista Street, Mandaluyong City.
Kaagad naman nakatakas sakay ng van (WKY-153) ang tatlong kidnaper matapos na nalamang nakapuga ang kanilang kinidnap na dalaga.
Base sa ulat ng pulisya, dinukot ang biktima bandang alas-7:30 ng umaga sa Nueve de Pebrero street.
Bumabagtas ang sasakyan sa kahabaan ng P. Burgos street, Batangas City nang makadama ng gutom ang tatlo kaya pansamantlang tumigil sa harap ng isang sikat na foodchain saka nagsilabasan upang bumili ng makakain.
Nakakuha ng tiyempo ang biktima na makapuga dahil sa iniwan siyang nag-iisa sa loob ng van at kaagad namang humingi ng saklolo sa mga awtoridad.
Nakapuslit naman sa dragnet operation ng pulisya ang tatlo. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 4 hours ago
By Victor Martin | 4 hours ago
By Omar Padilla | 4 hours ago
Recommended