Anak ayaw ipakasal: Ama, lolo tinodas

BAGAMANOK, Catanduanes – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang ama at lolo ng nobyo ng dalagang anak ng una matapos na tumangging ipakasal ang kanilang anak na nagresulta upang mag-amok sa harap ng bahay ng mga biktima sa Brgy. San Rafael sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang sina Jose De Leon, 64, magsasaka at Felicesimo Tusay, 97 ng nabanggit na barangay, samantala, mabilis naman tumakas ang suspek na si Magin Gianan, 36, binata, magsasaka ng naturang ding lugar.

Base sa ulat ng pulisya, nagtungo ang binatang suspek sa bahay ng kanyang nobya upang mamanhikan ngunit tumanggi naman ang mga biktima sa hindi maipaliwanag na dahilan kaya sumama ang loob nito.

Ayon sa ulat ng pulisya, bago tuluyang umalis ang suspek, ay binunot nito ang nakasukbit na itak sa beywang saka pinagtataga ang dalawa hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments