^

Probinsiya

19 tiklo sa puslit na piyesa ng cellphone

-
GENERAL TRIAS, Cavite – Labinsiyam na trabahador sa pabrika na pinaniniwalaang matagal nang nagpupuslit ng mga gintong piyesa ng cellphone na nagkakahalaga ng aabot sa P1 milyon ang dinakip ng pulisya sa Gateway Business Park, Brgy. Javalera sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang mga dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Gen. Trias MTC Judge Lirio Cartigador ay nakilalang sina Leo Cubol, 24; Liza Managaytay, 27; Shiela Marie Baltazar, 26; Lolita Maesada, 28; Janneth Tatel, 24; Ramil Prince Gumiit, 27; Rosielle Mojica, 23; Rolando Peji, 28; Arlene Bayas, 23; Teresa Baldonado, 28; Ryan Bautista, 21; Kenneth Asejan, 29; Jay Salcedo, 24; Bobby Girona, 25; Victor Cecicar, 23; Erwin Sison, 23; Noel Saliva, 24; Michael Cueno, 24 at Raymond Estrella, 23 na pawang manggagawa ng Sanno Phils. Corporation.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang pagpupuslit ay isinasagawa sa pamamagitan ng illegal top wiring na madaling kapitan ng gintong piyesa ng cellphone.

Kapag natapos na ang kanilang trabaho ay inilalagay nila ang piyesa sa maliit na papel kaya hindi namamalayan ng guwardiya na naipupuslit ang naturang piyesa.

Napag-alaman pa sa reklamo ni Rommel Baldevarona, tumatayong representative ng naturang kompanya na simula pa noong Oktubre 2001 ay nagpupuslit na umano ang mga suspek ng piyesa.

Hanggang sa may nagbigay ng impormasyon sa isinasagawang modus operandi ng mga suspek na pinalalagay na ipinagbibili sa mga pagawaan ng cellphone sa Chinatown sa Maynila. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ARLENE BAYAS

BOBBY GIRONA

CRISTINA GO-TIMBANG

ERWIN SISON

GATEWAY BUSINESS PARK

JANNETH TATEL

JAY SALCEDO

JUDGE LIRIO CARTIGADOR

KENNETH ASEJAN

LEO CUBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with