Mag-ama kinatay ng sigang kapitbahay

CANDELARIA, Quezon Patay agad ang mag-ama nang tagain at saksakin ng sigang kapitbahay dahil lamang sa simpleng pagtatalo kamakalawa ng hapon sa Labak 1 Barangay Poblacion sa bayang ito.

Kinilala ni P/Insp. Nelson Lequin, chief of police sa bayang ito ang mga biktima na sina Regino Braza, 52 at ang anak nitong si Sherwin, 25, may-asawa at kapwa residente ng naturang lugar.

Hindi naman nagawang tumakas ng suspek na si Dionisio Javier,alyas Kadioning Sawa,35 sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad.(Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments