7 timbog sa shabu session

GAPAN CITY – Pitong kalalakihan ang iniulat na inaresto ng pulisya sa aktong nagsa-shabu session sa loob ng bahay sa Brgy. San Nicolas sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Benjamin dela Cruz, hepe ng Gapan PNP station, ang mga suspek na sina Roger Alfonso, 29; Richard Barlis, 30; Maximo Barlis, 32; Celestino Suarez, 47, trike drayber; Alberto Alfonso, 33; isang mekaniko na pawang residente ng Brgy. San Nicolas.

Kabilang din sa dinakip ay sina Jaime Cumbe, 28, trike driver ng Brgy. Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija; at Joseph Austria, 36, ng Brgy. Mambangan, San Leonardo.

Sa ulat ng pulisya, nasakote ang mga suspek sa bahay ni Roger Alfonso, alyas Ambo bandang alas-3:30 ng hapon habang magkakasamang sumisinghot ng shabu.

Narekober sa mga drug user ang isang tooter, dalawang aluminum foil, lighter at 0.11 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang plastic sachets. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments