^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Trader itinumba sa sariling shop
IMUS, Cavite – Binaril at napatay ang isang mayamang negosyante ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo habang nasa loob ng kanyang auto shop center sa Brgy. Bayan Luma sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Isang bala ng kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ni Felipe Dones, alyas Ipe, 43 ng Goldlane Subdivision, Brgy. Anabu 1 sa bayang ito.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi nakuha ang plaka ng sasakyan na ginamit ng mga killer sa pagtakas.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Reynaldo Magdaluyo, biglang pinasok ng dalawa ang auto shop center ng biktima saka isinagawa ang krimen dakong alas-3:30 ng hapon na pinalalagay na may kaugnayan sa negosyo ang motibo ng pangyayari. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Magkapatid na killer ng drayber nadakip
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan –Nagwakas ang siyam na buwang pagtatago sa batas ng magkapatid na lalaki na responsable sa pagpatay sa isang taxi driver noong Sept. 26, 2001 matapos na magsagawa ng biglaang pagsalakay ang pulisya sa pinagkukutaan ng mga suspek sa Brgy. Poblacion, Calumpit, Bulacan kamakailan.

Kinilala naman ng pulisya ang mga suspek na sina Jong, 34 at Willy Cabrera, 30 ng naturang lugar, samantala, ang biktima ay nakilalang si Jesus Isidro Gonzales ng Block 14, Phase F-1 Francisco Homes, Brgy. Narra, City of San Jose del Monte, Bulacan.

Sa record ng pulisya, kasalukuyang naglilinis ng taxi sa garahe ng kanyang bahay ang biktima nang ratratin ng mga suspek sakay ng motorsiklo.

Sa ulat ni P/Supt. Noli Pacheco, hepe ng pulisya, ang mag-utol ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Malolos Regional Trial Court Judge Basilio R. Gabo, Jr., Branch 11. (Ulat ni Efren Alcantara)
Municipal councilor nilikida ng rebelde

BONGAO, Tawi-Tawi – Niratrat hanggang sa mapatay ang isang Bungao municipal councilor ng rebeldeng Muslim habang nagpapagawa ng sasakyan ang biktima sa Saido’s Automobile and Printing Shop sa old housing project sa Brgy. Baraga Tubig Boh sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Binistay ng bala ng M14 rifle ang katawan ni Nurjudar Abubakar ng rebelde sakay ng motorsiklo bandang alas-10 ng umaga bago tumakas papalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Kinilala naman ng pulisya ang suspek sa alyas na Nasser na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad sa hindi binanggit na lugar.

May palagay ang mga awtoridad na ang aktibong partisipasyon ng biktima sa pagsuporta na masupil ang modus operandi ng mga rebelde ang pinag-ugatan ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)
Habambuhay sa mag-aamang pumatay ng kapitbahay

BADIANGAN, Iloilo City – Kinatigan kahapon ng Korte Suprema ang hatol na habambuhay na pagkakulong ng mababang korte laban sa mag-aamang responsable sa pagpatay sa kanilang kapitbahay noong Oktubre 2, 1994 sa Badiangan, Iloilo City.

Sa desisyon ng Korte Suprema, pagdurusahan ng mga akusadong sina Avelino Galgo, ama at mga anak nitong sina Domitilio, Diosdado at Nelson ang pagpatay kay Tranquilino Quiling.

Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng halagang P50,000 sa mga naulila ng biktima bilang danyos perwisyo. (Ulat ni Grace Amargo)
Bantay-Bayan chief dinukot saka tinodas ng NPA rebs

LUPAO, Nueva Ecija – Isang Bantay-Bayan chief ang iniulat na dinukot saka tinodas ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Parista sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Honorio Gonzaga, 54, may asawa ay dinukot, pinahirapan bago pinatay dakong alas-5:45 ng hapon habang nasa bahay ni Policarpio Collado.

Apat na tama ng bala ng baril ang tumama sa katawan ng biktima at may palatandaan na pinahirapan muna saka pinatay na nakagapos.

Samantala, kinilala ng mga nakasaksi sa pangyayari ang mga suspek na sina Aging Castillo ng Sitio Capapalan, Brgy. Salvacion 1st at Tessie Abellera ng Brgy. Parista na positibong mga kasapi ng NPA rebels sa naturang bayan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

AGING CASTILLO

BRGY

BULACAN

CENTER

ILOILO CITY

KORTE SUPREMA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with