^

Probinsiya

Swiss man kinasuhan

-
CAINTA, Rizal – Sinampahan ng kasong kriminal ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang isang Swiss national dahil sa iligal na pag-angkin nito sa tatlong ektaryang lupang kinatitirikan ng mismong munisipyo.

Kinasuhan ng "fraud and deceit" sa Rizal Prosecutors Office si Rene Knecht, dating pangulo ng Rose Packing Corporation dahil sa paggamit nito ng iligal na korporasyon upang maangkin lang ang pinagtatalunang lupain.

Una nang nagsampa ng kasong sibil ang lokal na pamahalaan laban kay Knecht sa Antipolo Regional Trial Court noong 1991 para makumpiska ang tatlong ektaryang lupa sa may Brgy. Sto. Domingo.

Bago ito, kinasuhan na rin si Knecht ng PCIBank na umangkin dito bilang pag-sequester dahil sa pagkakaroon ng utang sa nasabing bangko.

Napanalo ni Knecht ang nasabing kaso kaya’t nagawa nitong magpalabas ng panibagong titulo na nakapangalan na sa Knecht Inc. at hindi na sa Rose Packing Corporation.

Ginamit nito ang Knecht Inc. na hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang mahati ang lupa at iparenta sa Bradley Investment Corporation na siya rin ang may-ari.

Dahil sa walang naganap na bayaran sa naturang mortgage sa iligal na bidding at auction ng ari-arian, ang lupaing ito’y kinumpiska ng lokal na pamahalaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO REGIONAL TRIAL COURT

BRADLEY INVESTMENT CORPORATION

BRGY

DANILO GARCIA

KNECHT

KNECHT INC

RENE KNECHT

RIZAL PROSECUTORS OFFICE

ROSE PACKING CORPORATION

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with