2 traders na dinukot naisalba sa 2 pulis na kidnaper
May 30, 2002 | 12:00am
Nailigtas ng mga operatiba ng Cebu City PNP ang dalawang kinidnap na mayamang negosyante na nagresulta rin sa pagkakadakip ng dalawang kidnappers sa isinagawang rescue operations sa nasabing lungsod kamakalawa.
Kinilala ang mga nasagip na biktima na sina Melgeb Duterte at John Ledesma.
Ang dalawa ay kinidnap sa kanilang bahay sa Brgy. Giratilan, Cebu City bandang 6:30 ng gabi noong Mayo 27.
Positibong kinilala ng mga biktima ang dalawa sa mga suspek na sina P/Sr. Insp. Nicolas Salvador at PO3 Razul Segismar.
Ang dalawang pulis ay pawang miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City PNP.
Base sa ulat, ang dalawa ay nabawi matapos na abandonahin ng mga suspek, matapos na matunugan ang presensiya ng mga awtoridad habang isinasagawa ang pay-off sa parking lot ng Marisol Hotel, Cebu City.
Sinabi ni Mara Liza Domaboc, half-brother ni Duterte, ipinarating nito sa mga awtoridad ang paghingi ng P5M ransom o 5 kilo ng shabu kapalit ng pagpapalaya sa mga biktima.
Kaagad namang pumoste ang pulisya sa nasabing lugar at nasakote naman ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest