Ang mga biktima ay nakilalang sina Zaide Cali, 20, anak ng isang Macalawan Cali na aktibong miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Units (CAFGU) at manugang nitong si Zaif Cali, 25.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay kinidnap pasado alas-4 ng hapon ng 15 armadong miyembro ng Misuari Group habang nagsasaka sa bukid.
Sa inisyal na imbestigasyon lumilitaw na ang pagdukot sa mga biktima ay bilang paghihiganti ng mga bata ni Misuari sa matandang Cali.
Napag-alaman na ang matandang Cali ang siyang nag-guide sa mga sundalo sa pagsalakay sa kuta ng MRG na naging dahilan upang malagas ang ilang miyembro noong nakalipas na buwan sa inilunsad na operasyon ng militar.
Naglunsad na ng search and rescue operations ang mga elemento ng 58th Infantry Battalion ng Phil. Army upang iligtas at mabawi ang mga biktima. (Joy Cantos)