Nakilala ang most wanted na si Richard Ajero a.k.a. Chard 18, binata at residente ng Brgy. Barlis ng lungsod na ito.
Batay sa ulat ni P/Supt. Leon Pangilinan, ang tagapagsalita ng kampo Simeon Ola na ang suspek ay nahuli dakong alas-2 ng madaling araw habang ito ay nasa loob ng sayawan at sumasayaw.
Ang suspek ay hinuli base sa bisa ng warrant of arrest na may c.c. No. FC-00335 sa kasong rape sa paglabag sa R.A. 7610 at walang kaukulang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Napag-alaman na ang suspek ay mahigit isang taon na nagtatago sa mga alagad ng batas at ito ang ika-16 na most wanted person sa Kabikulan na may reward na P75,000 base sa ipinalabas ng DILG Memorandum Circular No. 2002-39. (Ed Casulla)