^

Probinsiya

Pinakabatang most wanted nasukol

-
LEGAZPI CITY Ang pinakabatang most wanted sa Kabikulan ay nahuli ng mga elemento ng Legazpi City PNP habang ito ay nasa loob ng isang sayawan at Brgy. Buyoan sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang most wanted na si Richard Ajero a.k.a. ‘‘Chard’’ 18, binata at residente ng Brgy. Barlis ng lungsod na ito.

Batay sa ulat ni P/Supt. Leon Pangilinan, ang tagapagsalita ng kampo Simeon Ola na ang suspek ay nahuli dakong alas-2 ng madaling araw habang ito ay nasa loob ng sayawan at sumasayaw.

Ang suspek ay hinuli base sa bisa ng warrant of arrest na may c.c. No. FC-00335 sa kasong rape sa paglabag sa R.A. 7610 at walang kaukulang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Napag-alaman na ang suspek ay mahigit isang taon na nagtatago sa mga alagad ng batas at ito ang ika-16 na most wanted person sa Kabikulan na may reward na P75,000 base sa ipinalabas ng DILG Memorandum Circular No. 2002-39. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARLIS

BATAY

BRGY

ED CASULLA

KABIKULAN

LEGAZPI CITY

LEON PANGILINAN

MEMORANDUM CIRCULAR NO

RICHARD AJERO

SIMEON OLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with