Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Felix Azur, isang brgy. chairman sa Barangay. Cabanbanan, samantala, ang nasa kritikal na kondisyon na ngayon ay nasa Bicol Medical Center ay nakilalang si Rolando Mediado, 37, binata at brgy. chairman ng Brgy. Cabungan.
Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek na sina Elmer Roman, Tisoy Tianes ng Brgy. Cabungan at Ebot Balagat ng Brgy. Cabanbanan ng naturang bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inimbitahan ang nasawing brgy. chairman ni Mediado sa kanilang kapistahan kaya pinaunlakan naman ng biktima.
Habang magkasamang nag-iinuman sa labas ng bahay kasama ang ilang bisita ay biglang lumapit na lamang ang mga suspek at nagsimulang ratratin ang dalawang biktima bandang alas-4 ng hapon.
Nagpanakbuhan naman ang mga bisita upang magkubli saka sinamantala ng mga suspek na palakad na tumakas na parang walang nangyari sa hindi nabatid na direksyon.
May palagay ang pulisya na may kinalaman ang krimen sa muling pagkandidato ng dalawang magkaibigang brgy. chairman sa darating na halalan sa Hulyo. (Ed Casulla)