4 NPA rebs patay sa engkuwentro

CAMP NAKAR, Lucena City – Apat na kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong nasawi, samantala, isang sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ang tropa ng Army’s 68th Infantry Battalion sa kagubatan ng Brgy. Caramaguit, Naujan, Oriental Mindoro noong Huwebes ng hapon.

Kasalukuyang bineberipika pa ang mga pangalan ng napatay na rebelde kabilang na ang isang babae, samantala, nasugatan naman si Pfc. Ramos na ngayon ay nasa Mindoro Provincial Hospital.

Sa ulat ni Major General Ernesto Carolina, SOLCOM chief, naganap ang engkuwentro dakong alas-4 ng hapon habang nagsasagawa ang militar ng combat patrol sa naturang lugar. (Tony Sandoval)

Show comments