P5-M bonus ng mga guro naholdap
May 18, 2002 | 12:00am
SORSOGON CITY Tinatayang aabot sa halagang P5 milyon para sa may 500 guro sa pampublikong paaralan ng Bacon, Barcelona at Donsol bilang mid-year bonus ang dinugas ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang pasukin at wasakin ang vault ng cash department ng DepEd sa lungosd na ito kahapon ng madaling-araw.
Sa inisyal na ulat ni P/Chief Supt. Ramon Ranara, hepe ng pulisya, pinasok ang naturang opisina sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng madaling-araw sa pamamagitan ng paglagare ng rehas na bakal sa bintana at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi napansin ng ilang security guard.
Pinalalagay din ng pulisya na ginamit ng mga magnanakaw ang isang bata upang makapasok sa maliit na butas ng bintana saka binuksan ang pintuan upang tahimik na maisagawa ang pagnanakaw.
Sinisilip din ng mga imbestigador, ang anggulong inside job dahil sa tukoy ng magnanakaw ang kinalalagyan ng malaking halaga dahil sa walang anumang nagkalat na gamit sa loob ng naturang opisina.
Pinangangambahan naman na hindi makapag-enroll sa darating na pasukan ang mga anak ng guro dahil sa walang makukuhang mid-year bonus na kanilang inaasahan.(Ed Casulla at Bobby Labalan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Tony Sandoval | 20 hours ago
Recommended