Konsehal timbog sa sugar smuggling

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang municipal councilor mula sa Coron, Palawan matapos na makumpiskahan ng 98 sakong asukal na pinaniniwalaang tangkang ipuslit noong Lunes ng umaga sakay ng isang cargo vessel sa Brgy. Managalas Island, Linapacan, Palawan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angelray Nagura na miyembro ng Sangguniang Bayan ng nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nakumpiskang ipupuslit na kargamento ay sakay ng barkong F/BA God’s Gift at nagkakahalaga ng P.2 milyon na walang maipakitang kaukulang dokumento nang masabat ng mga awtoridad kaya kinumpiska. (Arnell Ozaeta)

Show comments