4 katao todas sa banggaan
May 10, 2002 | 12:00am
PAMPLONA, Camarines Sur Apat katao ang iniulat na nasawi, samantala, hindi pa mabatid ang bilang ng malubhang nasugatan sa magkahiwalay na road mishaps sa naturang lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Karen Semitara, Chloe Bongat, Ma. Cristina Manguerra at Andrew Bautista ng Brgy. Banga Caves, Ragay, Camarines Sur.
Sa nakalap na ulat ng pulisya, ang tatlong naunang biktima ay nasawi matapos na sumalpok sa punong kahoy ang sinasakyang Tamaraw FX (WKB-434) na minamaneho ni Glen Rod Pajarillo, 24, ng San Jose, Peñafrancia, Naga City patungong Daet.
Ayon pa sa pulisya, sumabog ang dalawang hulihang gulong ng Tamaraw FX kaya nawalan ng kontrol saka naganap ang sakuna dakong alas-8:45 ng umaga kamakalawa.
Samantala, si Bautista naman ay nadale ng hit-and-run dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon sa Quirino Highway na sakop ng Brgy. Banga Caves, Ragay, Camarines Sur habang naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
2 hours ago
Recommended