^

Probinsiya

Blackout sa buong Luzon nakaamba

-
MASINLOC, Zambales – Nakaambang magkaroon ng malawakang blackout sa buong Luzon anumang oras ngayon matapos na magsagawa ng kilos-protesta ang may 2,000 katao sa Masinloc Coal-Fired Thermal Plant ng National Power Corporation (Napocor) sa bayang ito upang iparalisa ang operasyon ng naturang planta.

Sinabi ni Yolanda Damasco, lider ng United Tenants Association of Barangay Bani (UTAB) na nagsagawa na sila ng barikada sa main gate ng naturang lugar simula pa noong Linggo upang walang makapasok na empleyado ng Napocor.

Ayon kay Damasco na ang kilos-protesta na ginawa ng kanilang grupo ay upang ipaabot sa pamunuan ng nabanggit na kompanya na aabot na sa halagang P92 milyon pagkakautang ng Napocor sa mga tenant ang hindi pa naibibigay kahit na nagpalabas ng desisyon ang Agrarian Court na bayaran na ang mga tenant.

Sa pahayag naman ni Engr. Eugenio Alfonso, plant manager na malaking epekto ang idudulot ng naturang kilos-protesta dahil sa mawawalan ng kuryente ang buong Luzon.

Inalerto na ni P/Sr. Insp. Ronald Tabamo, hepe ng Masinloc PNP station ang kanyang mga tauhan na maging maagap sa anumang karahasang idudulot ng nabanggit na grupo. (Ulat ni Erickson Lovino)

AGRARIAN COURT

ERICKSON LOVINO

EUGENIO ALFONSO

LUZON

MASINLOC COAL-FIRED THERMAL PLANT

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

RONALD TABAMO

SR. INSP

UNITED TENANTS ASSOCIATION OF BARANGAY BANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with