2 terorista dinakip sa Batangas

CAMP CRAME – Dalawa na namang lalaki na pinaniniwalaang terorista ang dinakip ng pulisya matapos na makumpiskahan ng blasting powder at 68 pirasong detonating cord matapos na masita sa itinayong checkpoint sa Sto. Tomas Batangas, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Anthony Merced at Noel Acbang na nagmula pa sa Bicol patungong Pasay City sakay ng pampasaherong bus.

Kinondena naman ng grupo ng Unified Intelligence Group na pinamumunuan ni Dindo Acostales ang kapulisan sa pagdakip sa dalawa. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments