Negosyante todas sa ambush

ZARAGOZA, Nueva Ecija - Tinambangan at napatay ang isang negosyante ng dalawang hindi kilalang armadong lalaking sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang tricycle papauwi sa Brgy. Batilang sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Reynaldo Tiu, hepe ng Zaragoza PNP station ang motibo sa pagkakapatay kay Eugenio Daga, 38 ng Brgy. Manaol sa bayang ito.

Sa Imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pananambang bandang alas-8:30 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kanyang service trike (PT-8493) nang harangin ng mga suspek saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments