^

Probinsiya

3 bagets nalason sa butete

-
DAGUPAN CITY —Tatlong kabataang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang malason sa kinain na nilutong itlog ng butete sa Lucero Village, Santiago Island, Bolinao, Pangasinan noong Sabado.

Ang mga biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Western Pangasinan Provincial Hospital sa Alaminos City ay nakilalang sina Romy Carolino, 18; ang magkapatid na Boyet, 19 at Jose Carassiona, 15 ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, magkakasamang nanghuli ng isda ang mga biktima sa dalampasigan ng naturang lugar subalit walang nabingwit kaya sa halip na isda ay napagkaisahang manghuli na lamang ng butete.

Napag-alaman sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matapos ang pangingisda ay napagkatuwaan naman ng mga biktima na lutuin ang nahuling butete na may kasamang itlog saka magkakasamang kumain.

Matapos na kumain ay nagpahinga na ang tatlo ngunit makaraan lamang ang ilang oras ay nagsuka at nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang mga biktima kaya kaagad na isinugod ng kanilang kasambahay sa nabanggit na ospital.

Kasalukuyan namang sinisiyasat ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isdang nakain ng mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan. (Ulat ni Erickson Lovino)

vuukle comment

ALAMINOS CITY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ERICKSON LOVINO

JOSE CARASSIONA

LUCERO VILLAGE

ROMY CAROLINO

SANTIAGO ISLAND

WESTERN PANGASINAN PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with