^

Probinsiya

16 katao nailigtas ng militar sa mga NPA

-
CATANAUAN, Quezon — Nailigtas ng militar ang may labing-anim na kabataang estudyante, kabilang na ang isang 12-anyos na dalagita na sasailalim sa pagsasanay matapos hikayatin ng New People’s Army sa Sitio Ibayo, Brgy. 1 sa bayang ito.

Ayon sa ulat ni Col. Ferdinand Bocobo, 201st Infantry Brigade commander na ang mga nasabing estudyante ay pawang nag-aaral sa Envarga University-Catanauan branch.

Ang mga ito ay nahikayat ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Bondeo Peninsula upang isailalim sa "Pangkalahatang Kursong Masa" (PAKUM) ang pangunahing kurso na ipinagkakaloob ng NPA sa mga bagong recruit upang lumahok sa kilusan.

Iniulat ng mga residente ng mga tauhan ng 74th Infantry Battalion ng Phil. Army ang presensya ng mga hindi kilalang grupo na may ilang araw nang namamataan sa isang beach resort.

Kaagad tinungo ng mga sundalo ang nasabing beach resort subalit natunugan ng mga rebelde ang pagdating kung kaya mabilis na nagsilikas ang mga ito at iniwan ang mga estudyante. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

BONDEO PENINSULA

CELINE TUTOR

ENVARGA UNIVERSITY-CATANAUAN

FERDINAND BOCOBO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

NEW PEOPLE

PANGKALAHATANG KURSONG MASA

SITIO IBAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with