ABS-CBN cameraman ginulpi ng 4 Syrian nationals
April 25, 2002 | 12:00am
ANGELES CITY Isang cameraman ng ABS CBN television network ang iniulat na pinagtulungang gulpihin ng apat na Syrian nationals habang nagsasagawa ng footages sa mga sundalong Kano sa red lights district sa Brgy. Balibago sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Bukod kay Isagani Taoatao, ABS CBN cameraman na pinagtulungang gulpihin ay nadamay din sa pangyayari sina field reporter Rosa May Castañeda at driver na si William Natividad.
Samantala, ang mga suspek na kinasuhan ng physical injuries at malicious mischief ay nakilalang sina Mohammad Issam El-Debs, isang consul general, Ganem Madame, Mohd Jouma at Fawaz Habur Kozma na naging residente sa bayan ng Mabalacat, Pampanga.
Nagkataong naglalakad at natapat ang apat na Syrian nationals sa video camera ni Taoatao na ang mga kinukunan ng footages ay mga sundalong Kano sa mga night club.
Inakala tuloy ng mga suspek na sila ang kinukunan ng video kaya kinompronta nila ang cameraman at pinagpipilitang kunin ang tapes bago pinagtulungang gulpihin, ngunit nakihalubilo naman sina Castañeda at Natividad upang ipagtanggol ang kasama.
Kaagad naman nagsisakay ng van ang mga biktima upang umiwas sa gulo sabay na humingi ng saklolo kay SPO4 Onofre Valencia na kasalukuyang nagpapatrolya ngunit hinabol pa rin sila ng mga suspek bago hinataw ng baseball bat ang harapang salamin ng kanilang sasakyan. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Victor Martin | 17 hours ago
By Omar Padilla | 17 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am