^

Probinsiya

P 1.5M naholdap sa 5 bank employees

-
OCAMPO, Camarines Sur – Tinatayang aabot sa halagang P1.5 milyon ang tinangay ng mga holdaper mula sa limang empleyado ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa kahabaan ng Barangay La Purisima sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Sa nakarating na ulat sa Kampo Simeon Ola, naganap ang pangyayari bandang alas-11:45 ng umaga habang sakay ng Toyota Revo ang mga biktima dala ang nabanggit na halaga upang i-remit sa sangay ng Bangko Sentral sa Naga City.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, hinarang ng apat na armadong hindi kilalang kalalakihan sakay ng Mitsubishi Sedan na walang plaka ang sasakyan ng mga biktima sabay na tinutukan ng baril ang driver.

Hindi na nakapalag pa ang driver at ang limang bank employees kundi ang magsibaba at ibigay ang naturang halaga sa mga holdaper.

Kaagad naman naipagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari hanggang sa marekober ang sasakyan ng mga holdaper na inabandona sa gilid ng kalsada ng Bula, Camarines Sur na pinalalagay na lumipat ng ibang sasakyan patungo sa lalawigan ng Albay. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

BANGKO SENTRAL

BARANGAY LA PURISIMA

CAMARINES SUR

ED CASULLA

KAMPO SIMEON OLA

MITSUBISHI SEDAN

NAGA CITY

TOYOTA REVO

UNITED COCONUT PLANTERS BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with