Ito ang mariing sinabi ni Abu Muslim Al-Ghazie, isang self proclaimed mula sa nabanggit na grupo ng Sayyaf sa interview sa Manila radio station DZXL na ang naganap na pagpapasabog sa naturang lugar ay sa kalye pa lamang.
Sinabi pa ni Al-Ghazie na may mga hawak silang dokumento na nagpapatunay na may plano ang pamahalaang Pinas at Amerika na paalisin ang lahat ng Muslim sa Mindanao.
Hindi naman maipaliwanag ni Al-Ghazie kung bakit gusto ng pamahalaang America at Pinas ang naturang akusasyon.
Sinabi pa ni Al-Ghazie na magpapatuloy rin ang kanilang ginagawang pambobomba sa ibat ibang bahagi ng Gen. Santos City at iba pang lugar sa Socsargen kung hindi ibibigay ng pamahalaan ang Mindanao na sinasabi niyang kanilang pag-aari.
Marami kaming koneksyon na ginagamit sa aming operasyon at hindi ito basta-basta masusundan o makikilala ng militar," ani Al-Ghazie.
Subalit pinagdiinan naman ni Al-Ghazie na walang kinalaman sa naganap na pambobomba ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang grupong tinawag na Indigenous Peoples Federal State Army (IPFSA) at si convicted Indonesian bomber Fathur Al Ghozi.
Kasunod nito, nadakip naman kahapon ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na suspek sa bombing na sina Muliken Ambi Pantuan, 28; at Modesto "Bobby" Tabilo, 26 sa kanilang bahay sa Purok 7, Sitio Lanton, Brgy. Apopong. (Ulat nina Joy Cantos/Doris Franche/Perseus Echeminada)