3 NPA rebels patay sa sagupaan
April 15, 2002 | 12:00am
TAYABAS, Quezon Tatlong miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang namatay, samantala, dalawang iba pa ang malubhang nasugatan kabilang na ang isang sundalo sa naganap na encounter ng 76th Infantry Battalion ng Phil. Army laban sa mga rebelde sa Barangay Gibanga sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Ang mga napatay na rebelde ay nakilalang sina Ka Reggie, Ka Roy at isang bineberipika pa ang pangalan na ngayon ay nasa Funeraria Constantino.
Samantala, ang sugatang rebelde na si Edilberto Pagulayan ay ginagamot ngayon sa Quezon Memorial Hospital habang ang sugatang sundalong si Cpl. Ramil Tabagan ay nasa V. Luna Hospital.
Sa isinumiteng ulat ni Col. George Segovia, commander ng 76th IB kay Major Gen. Ernesto Carolina, SOLCOM commander, naganap ang sagupaan dakong alas-4:15 ng hapon matapos na magresponde ang tropa ng militar sa nabanggit na barangay na may mga naka-istambay na rebelde.
Ayon sa mga power saw operator na ginigipit at nanghihingi ng revolutionary tax ang mga rebelde sa mga negosyante at ang naturang lugar ang ginawang istambayan.
Hindi pa nakakalapit ang tropa ng militar sa kinatatayuan ng mga rebelde ay sinalubong na ng sunud-sunod na putok ang mga sundalo na tumagal ng kalahating oras na enkwentro saka nagsitakas ang hindi mabatid na bilang ng NPA. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest